Kwentong Tatay

Takot ako dati sa helicopter.

Si daddy lagi akong kinakagalitan kapag may helicopter sa kampo. Tunog pa lang kasi,sobra na akong kinikilabutan. Iiyak ako at magwawala at tatakpan ko yung tenga ko.

Pero isang araw,may ginawang kalokohan ang tatay ko. May sorpresa daw siya sa akin,kailangan ko daw sumama. So ako naman,tiwalang humawak sa kamay niya. Pagdating namin sa grounds,narinig ko na agad yung tunog na nakakabingi. Aatungal na sana ako sa iyak at tatakbo kaso mas mabilis siya sa akin,kinarga,itinakbo,at sinakay niya ako sa helicopter.

I was shaking,my eyes were closed just when we were about to take off. Pero biglang nagbago,the sound was deafening but it wasn’t scary anymore.

Buksan ko daw yung mga mata ko.

“Kitam,nagpintas aya? Haan ka mabutbuteng. Lugan la detoy, haan na ka met a anan-wen.” (Tingnan mo,maganda diba. Huwag kang matakot. Sasakyan lang ito,hindi ka naman niya sasaktan).

It was my first victory over fear,at kasama ko ang tatay ko para pagtagumpayan iyon. 

Sa lahat ng tatay at magiging ama in the future,hawakan niyo lang ang kamay ng mga anak niyo kahit anong mangyari,sabihin niyo sa kanila na kaya nila basta magtiwala lang. 

I’ve never been afraid of helicopters ever since.

Advertisements

Renewal

Ang buhay,hindi yan parang strolling lang sa mall or sa beach. Hindi yan sightseeing lang,tapos kukuha ka ng picture para mapreserve yung memory.

It’s about involving yourself in the process of making a memory. You meet people,you make friends,you add someone into your family,you love.

Masarap yung pakiramdam na alamin ang lahat ng meron sa buhay. Kaya lang,hindi natin nagagawa ng tama most of the time.

Kung minsan,natatakot ka kase baka tumanda ka na lang at mamatay na walang nakakakilala sayo,or worse,walang nagmamahal. Kaya ang ginagawa natin,we spend our time making ourselves known. We buy things para maging cool tayo. We post every tiny detail of our lives in social media sites without even the slightest thought about privacy.

And we love. Yes kailangan. Pero minsan nagmamahal tayo at the expense of someone hurting. Maybe mga magulang natin yun,kase bata pa tayo. Or mga kaibigan natin,kase alam nila na hindi para sayo yung ipinaglalaban mo. Or yung minamahal mo mismo,kase minahal mo sya at first pero hindi mo mapanindigan kaya parang fireworks na minsan lang kumislap sa langit tapos wala na.

Sooner,or maybe late na,malalaman mo,tama sila. Then you’ll have a change of heart. Maghahanap ka ng avenue for renewal.

And there is the One. Ang hindi mo alam,all along andoon lang Siya,inaantay ka.

HE has been there,watching you. Hindi Siya nag-aantay na magkamali ka,rather He is waiting for you to remember Him.

God has given us too much,and it’s never too late to reach out. 🙂