Kwentong Tatay

Takot ako dati sa helicopter.

Si daddy lagi akong kinakagalitan kapag may helicopter sa kampo. Tunog pa lang kasi,sobra na akong kinikilabutan. Iiyak ako at magwawala at tatakpan ko yung tenga ko.

Pero isang araw,may ginawang kalokohan ang tatay ko. May sorpresa daw siya sa akin,kailangan ko daw sumama. So ako naman,tiwalang humawak sa kamay niya. Pagdating namin sa grounds,narinig ko na agad yung tunog na nakakabingi. Aatungal na sana ako sa iyak at tatakbo kaso mas mabilis siya sa akin,kinarga,itinakbo,at sinakay niya ako sa helicopter.

I was shaking,my eyes were closed just when we were about to take off. Pero biglang nagbago,the sound was deafening but it wasn’t scary anymore.

Buksan ko daw yung mga mata ko.

“Kitam,nagpintas aya? Haan ka mabutbuteng. Lugan la detoy, haan na ka met a anan-wen.” (Tingnan mo,maganda diba. Huwag kang matakot. Sasakyan lang ito,hindi ka naman niya sasaktan).

It was my first victory over fear,at kasama ko ang tatay ko para pagtagumpayan iyon. 

Sa lahat ng tatay at magiging ama in the future,hawakan niyo lang ang kamay ng mga anak niyo kahit anong mangyari,sabihin niyo sa kanila na kaya nila basta magtiwala lang. 

I’ve never been afraid of helicopters ever since.

Advertisements