Sayaw

Kapag bagong taon parang ansarap mangarap ulit. Yung bugso ng pag-asa sa damdamin na hirap minsan sumaya. 

 

Nakita mo ba kung paano tumama yung liwanag sa diwa ng taong matagal ng sumara ang puso? Kay kislap di ba? 

 

Inasam niya ito noon pa. Pag-ibig na kung dumating ay perpekto at sakto ang oras at pagkakataon. Pag-ibig na habang nakikilala ay lalong lumalalim at umuukit sa kaibuturan niya. 

 

Mailap siya. Hindi niya iniaabot ang kamay kapag may nagtangka na makipagsayaw. Hindi dahil parehong kaliwa ang kanyang paa,ito’y dahil hindi akma ang tugtog sa tibok ng puso.

 

Pero bago na naman ang taon,marami na naman ang mga araw. At bawat isa na darating ay may kaakibat na pag-asam,na maiba ang ihip ng hangin. 

 

Na siya ay tangayin para ihatid sa nag-aantay na kapareha,at sumayaw sa tamang kanta.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s